BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Tuesday, January 3, 2012

Dalawang Taon at Limang Buwan.

Makalipas lang ang halos mag tatatlong taon, nagayon ko lang muling naisipan buhayin ang aking account na ito sa blogspot, haha napaka-tagal na kung iisipin, 'no? Binibisita ko naman 'to, binubuksan paminsan minsan kung may pagkakataon, at syempre nagbabasa din. Sadyang wala lang akong maisip kung ano, kelan at papaano ako ulit mag sisimula ng panibagong yugto para malamnan 'to. Hanggang eto ngayon napagpasyahan ko na itong ayusin, bigyang pansin, lamnan naman kahit papano at subukang magkwento gamit itong aparatong ito.

Wasak! Hahaha! Wala na kong maisip na iba pang sabihin, minsan totoo nga yung sinasabi nila na kelangan nasa kondisyon hindi lang katawan, pati higit ang iyong isipan kung ikaw ay gagawa ng isang bagay, tulad nalang ng pagsusulat. Dati naalala ko pinangarp ko din maging isang Scriptwriter, noong ako ay nasa High School palang nasubukan ko ng gumawa ng mga scripts na ginamit namin sa mga ilang skits, play, at iba pang klase ng dulaan. Hanggang ako din ay nag kolehiyo napagpatuloy ko din naman ang minsang pag gawa ng mga maiikling sulat, minsan dala na din ng pagiging leader ng grupo, minsan naman ako na yung nag-kukusa na din, o kaya naatasan lang. Masaya ang magsulat, nagagamit mo yung kaalaman mo sa mga bagay-bagay, nahahasa ang iyong kaisipan, at nagagamit ag iyong malikhaing kaisipan upang maka-buo ng isang obra maestrang maituturing dahil ito ay iyong pinag-isipan at pinag-hirapan. Maka buo ka lang ng isang maikling kwentona talagang sariling gawa mo ay sadyang maipagmamalaki mo na, lalo na pag alam mo na kahit papano ay may nagka gusto at natuwa sa ginawa mong iyon, hindi ba? Yung pakiramdam na kahit hindi maraming tao yung nakabasa nun ay parang ganun na din ang pakiramdam. Haha napakasarap isipin, lalo na hindi naman lahat ng tao ay nabibiyaan ng ganoong katangian na makapag sulat, makapanghalina, at makapagpasaya ng mga tao sa paligid mo lalo na't hindi ka isang propesyonal.

Eh, ano nga ba kasi ang isang "Blog" ayon sa google, "Blogs are usually maintained by an individual with regular entries of commentary, descriptions of events, or other material such as graphics or video." Ang blog ay maaring sa porma ng isang video, o texto na kadalasan ay ina-update ng may-ari nito.Para siyang nagiging katungkulan mo na kelangan panagutan buwan buwan o mas madalas pa, o isang bagay na kelangang pangalagaan lalo na kung merong mga taong dumedepende dito. Pero syempre ang depenisyon ng salitang "blog" ay depende pa din sa bawat tao, sa bawat personalidad ng tao ay may katumbas na ibig sabihin ang blog, meron sa iba na ang pagkakaron ng blog ay sumisimbolo sa pera siguro marahil na din dahil kumikita sila dahil dito, meron din naman na para sa iba ay isa lamang itong magandang libangan at isang porma ng komunikasyon upang maglabas ng saloobin nila. Iba-iba, depende sa tao, tulad para sa akin, ito ay isang "medium" upang maglabas na din ng aking nararamdaman sa mga bagay bagay sa aking paligid. Kaya sana kahit papaano maituloy tuloy ko na ang pagsulat dito, sana ito na yung maging umpisa ng seryoso at makabuluhang pagkwekwento ko ng aking buhay at pakikipagsapalaran sa mundo ng pagiging isang karaniwang tao, at sa pagiging isang "Nars." Tama, sa buhay ng pagiging isang Nars, haha hindi pa ko nars, sa ngayon,isa pa lamang akong estudyante na gragraduate na sa nalalapit na Marso, pero alam ko pagdating ng panahon ako ay isang magiging NARS.

Hindi na ko makapag-antay na maikwento ang aking mga pakikipagsapalaran ng aking buhay bilang si Argin, at bilang si Nars Argin. :)

0 comments: