BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Wednesday, January 4, 2012

Operating Room w/ Handwashing.

Okay, ngayon ay Alas dose na ng umaga, araw ng Huwebes, haha sabi ko kay James(boyfriend ko) di na ko maglalaptop at matutulog na din agad pagkaexpire ng load namin, haha pero hindi ko nanaman siya nasunod, eto ako at susubukan nanamang gumawa ng walang kakwenta-kwentang kwento sainyo, ginagawa ko to habang nakikinig ng kantang "Hotel Room Service" ni Pitbull, haha wala lang para maingay lang at hindi gaanong boring ang paligid.

Ayun na nga, balik na tayo sa tunay na paksa ng kwento ko para sa ngayong gabi, ay umaga na pala.. ayun, mamaya kasing umaga ay duty na ulet, sensyales na tapos na ang maliiligayang araw ng bakasyon at balik nanaman sa panahon ng pag-aaral >:) at bukas na nga ang simula, sisimulan to ng tinatawag naming mga student nurses na "duty", ang duty ay ginagawa ng mga estudyante sa piling ospital kung saan affiliated ang kanilang eskwelahan. Malamang ang iba sainyo ay madalas ng nakakita ng mga katulad namin sa ospital, o kaya'y naranasan ng maging panandaliang pasyente ng isang student nurse. At bukas nga ay isang panibagong araw nanaman, kelangan maghanda, pero actually nahanda ko na naman yung mga gamit ko kanina, naplantsa ko na yung dalawang uniporme kong gagamitin kasama ang kamison pati ang scrub suit/shoes at lab gown na kakailanganin namin mamaya para sa aming duty, nalagay ko na din ang mga gamit na kailangang dalhin pag kami ay mag duduty na, nandyan yung mga gamit pang Vital Signs; ang aparatong pang kuha ng blood pressure, at pangkuha ng temperatura at ang pinakamahalagang bagay na kakailanganin para bukas na hindi dapat kalimutan - ang gloves. Bukas kase ang ward kung saan kami naatasan ay sa kwarto kung saan ang mga pag oopera ay madalas na ginagawa, at yun ay sa Operating Room. Grabe di pa ko nakakapagbasa para i-review yung mga gamit sa loob ng Operating room, nakallimutan ko na kasi sa sobrang dami, sa dinadami-dami ng mga gamit dun ay ang naalala ko nalang ay ang needle holder, tissue holder, scalpel, tongs, at.. at.. basta! madami pang iba hahaha! andami pang babasahin mamayang umaga pagkagising ko. Rereviewhin ko pala pala ulit yung strokes ng paghahandwashing, hindi kase typical na handwashing lang ang ginagawa doon, hindi lamang ito yung simpleng paghuhugas mo ng kamay na ginagawa mo pagakatapos mong kumain sa mang inasal, ang paghuhugas ng kamay pag ikaw ay nasa Operating Room ay isang pinaka mahalagang bagay na unang unang ginagawa ng isang nars bago siya sumabak sa kahit anong klaseng gawain pang managagamot, dahil makaligtaan lang ang simpleng paghuhugas na yun ay maari na tong magdulot ng hindi lamang "infection" sa pasyente kundi maari din tong maging sanhi ng kanilag kamatayan, oo, kamatayan nga, nagtataka ka siguro kung bakit ganon kakumplikado naman ang mangyayari pag ang simpleng paghuhugas lang ng kamay ay makalimutan ay maari ng magdulot ng ganong ka seryosong usapin. Unang una kase, ang laman ng tao ay maselan, ubod ng linis kaya kahit ano mang maduming bagay na dumapo dito tulad nalang ng kamay ay maari nag magdulot ng sakit, seryoso man o hindi. At sa huli ang inaakala nating simpleng impeksyon na yun ay maaaring mauwi sa tinatawag na "Sepsis" kung saan ang bacteria o sirus ay humahalo sa dugo, at nagsisilbing lason dito at dahil ang dugo ay dumadaloy sa ating buong katawan, mabilis din nitong naikakalat ay nasabing impeksyon na syang nagdudulot ng sa una ay peg develop ng tinatawag na "inflammatory response" hanggang sa kumalat na ito sa buong parte ng iyong katawan at mga organ, na syang maaring maging dahilan ng pagkamatay ng isang pasyente. Kaya dapat ang simpleng paghuhugas ay dapat wag isnobin "dahil dyan sa kamay na yan, dyan nakasalalay ang iyong buhay."

Hahaha nawalan ng tuluyan ng connect yung title sa content nito, di ko na naikwento yung dapat kong ikwekwento. Hahaha hayaan mo na nga, flight of ideas nanaman eh. :DD

0 comments: